Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na patuloy ang commitment ni Pangulong Rodrigo Duterte na makipag-dayalogo sa China bilang pagtatanggol ng pambansang interes sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – nananatiling bukas ang linya ng komunikasyon ng Pangulo sa China bilang tanda ng kanyang paninindigan na protektahan ang territorial integrity at sovereignty ng Pilipinas.
Bukod dito, nais din ng gobyerno na mapabuti rin ang relasyon nito sa Tsina.
Nabatid na isinusulong ni Pangulong Duterte ang bilateral consultation mechanism sa China para ayusin ang gusot sa South China Sea at pagsusulong na rin ng economic at diplomatic ties sa Beijing.
Ipinangako rin ng Pangulo na i-aakyat ang arbitration ruling na nagpapawalang saysay sa pag-aangkin ng China sa rehiyon sa tamang panahon.