PRRD, pilit na binabawasan ang mga maaanghang na pananalita sa publiko

Manila, Philippines – Dumipensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang maaanghang na pananalit tuwing haharap sa publiko.

Kasunod na rin ito ng pagpuna ng mga kritko sa mga lumalabas sa bibig ng Pangulo na hindi umano maganda.

Ayon kay Pangulong Duterte, pawang makukulay na biro lamang bilang bahagi ng kanyang expression at pagpapatawa ang mga ito.


Umaasa ang Pangulo na wala sanang masasaktan sa tuwing siya ay nagbibiro.

Aniya, pinipilit naman niyang limitahan ang kanyang pagbibiro lalo na sa mga umaatake sa kanya.

Laging nababatikos si Duterte ng ilang grupo dahil sa mga pahayag nito na hindi katanggap-tanggap partikular sa usapin ng kababaihan, human rights violations, pagtrato sa simbahan at sa diyos, isyu sa Amerika, European Union at International Criminal Court.

Facebook Comments