Pinagpapaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Comelec kaugnay ng mga ulat na aberya sa mga vote counting machines (VCM) sa botohan kahapon.
Sa kanyang pagharap sa media pagkatapos na bumoto sa Davao City sinabi ng Pangulo na hindi siya makikiaalam sa problema ng Comelec lalo at isa itong independent body.
Aniya, hintayin na lang muna ang paliwanag ng poll body bago magsagawa ng anumang imbestigasyon.
Una rito, kinumpirma ng Comelec na 400 hanggang 600 mula sa 85,000 na mga VCM ang pumalya nitong halalan.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – halos triple ito sa bilang ng mga pumalyang VCM noong 2019 national elections.
Facebook Comments