Inutusan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang gabinete na pabilisin ang pagpoproseso ng land conversion cases.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles – nagbigay na ng marching orders ang Pangulo na pag-aralan ang mga kasalukuyang proseso upang matugunan ang mabagal na pagreresolba sa mga kaso ng land conversion.
Nais aniya ng Pangulo na alisin ang korapsyon sa land conversion cases.
Sa pag-uusap ng DAR, Department of Agriculture (DA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang conversion application process ay maaring paikliin ng hanggang 30 working days.
Mula nitong 2018, halos 140 conversion cases ang nakabinbin pa rin sa Department of Agrarian Reform (DAR).
Facebook Comments