PRRD, posibleng manghimasok muli sakaling magka-problema sa term sharing agreement nina Cayetano at Velasco

Muling pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa kanilang term-sharing agreement.

Ayon sa Pangulo, desisyon nina Cayetano at Velasco kung susundin o hindi ang kanilang kasunduan.

Gayunman, posible aniyang magka-problema kung susuwayin ng dalawa ang kanilang “gentlemen’s agreement”.


Kung sakali, posible aniyang panghimasukan niyang muli ang usapin sa house speakership.

Matatandaang namagitan si Pangulong Duterte kina Cayetano at Velasco sa gitna ng mainitang agawan sa house speakership kung saan napagkasunduan ang term sharing.

Facebook Comments