PRRD, posibleng may impormasyon tungkol sa kudeta – Palasyo

Naniniwala ang Malacañan na posibleng may natanggap na impormasyon si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa umano’y kudeta.

Ito ang nag-udyok sa Pangulo na himukin ang Kongreso na amyendahan ang konstitusyon bago matapos ang kanyang termino.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – nakasaad kasi sa saligang batas na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay tagapagtanggol ng mamamayan.


Posibleng aniyang may alam ang militar ng mga ulat ukol sa korapsyon kaya maaaring silang mag-react.

Diin pa ni Panelo – hindi naman basta-basta manghihimok ang Pangulo sa Kongreso na baguhin ang konstitusyon kung wala siyang natatanggap na “very reliable” information tungkol dito.

Una nang sinabi ng AFP na walang mangyayaring kudeta laban sa pamahalaan.

Facebook Comments