Panelo, excited nang maka-debate si Amal Clooney

Excited na si Presidential Spokesman Salvador Panelo na makaharap sa isang debate ang sikat na international human rights lawyer na si Amal Clooney.

Ayon kay Panelo, naghahanap lang ng kakampi si Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa para ipang tapat sa kanya at para maging bahagi ng kanyang legal team sa kinakaharap na kasong tax evasion at cyber libel.

Dagdag pa ni Panelo, na idadaan niya sa lecture at ipapaliwanag kay Clooney ang mga kasong kinakaharap ni Resssa matapos niyang mapaniwala si Clooney na inaapi siya sa Pilipinas.


Nilinaw naman ni Panelo kay Clooney na maari lamang siyang maging consultant o tagapagsalita ni Ressa pero hindi ito maaring humarap sa korte sa bansa dahil hindi naman ito miyembro ng Integrated Bar of the Philippines o IBP.

Facebook Comments