Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na administrasyon na agad simulan ang proseso ng pag-amyenda sa konstitusyon kabilang ang pagbuwag sa party-list system.
Sa kanyang Talk to the People na ini-ere kaninang umaga, sinabi ni Pangulong Duterte na dapat trabahuhin agad ng susunod na pangulo ang Charter Change o Cha-cha para hindi ito magbigay ng impresyon sa publiko na nag-aagawan sila sa panibagong termino.
Matatandaang isinulong ni Pangulong Duterte ang federalismo na upang matugunan ang national economic at power imbalance sa bansa.
Samantala, iminungkahi rin ng pangulo sa susunod na administrasyon ang pag-abolish sa party-list system na aniya’y inaabuso lang naman ng makakaliwang grupo.
Facebook Comments