PRRD, seryoso sa hamon nito sa Amerika na giyerahin ang China – Palasyo

Iginiit ng Malacañan na seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte sa hamon nito sa Estados Unidos na giyerahin ang China.

Ito ay kung nais nila talagang tulungan ang Pilipinas na ipaglaban ang karapatan nito sa West Philippine Sea o WPS.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – dapat ang Amerika talaga ang unang gagawa ng hakbang bago kumilos ang Pilipinas.


Dagdag pa ni Panelo – ang mga kritiko ni Pangulong Duterte ang dapat ilagay sa frontlines sakaling pumutok ang digmaan kontra China.

Matatandaang sa ilalim ng Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at Amerika, magtutulungan ang dalawang bansa sa oras na may umatakeng kalabang bansa.

Facebook Comments