PRRD, sinabing ipinagdarasal sa Diyos na mapunta sa langit ang mga biktima ng EJK

Bukidnon – Hiniling ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Diyos na dalhin sa langit ang mga biktima ng extra judicial killings.

Ito ang sinabi ng Pangulong Duterte sa kanyang speech sa Bukidnon para sa inagurasyon ng Northern Mindanao Wellness and Reintegration Center kung saan muli niyang binatikos ang mga human rights advocates na kumokondena sa kaniyang kampaniya kontra iligal na droga.

Kinuwestiyon din ng Pangulo ang doktrina ng simbahan at ayon din sa kaniya, hindi siya naniniwala na may impyerno.


Muli din iginiit ni Pangulong Duterte na ang Diyos na kaniyang pinaniniwalaan ay hindi isang stupid god.

Facebook Comments