Tiniyak ni pangulong rodrigo duterte na itataguyod niya ang Women and Children Empowerment.
Ito’y kasabay ng paggunita ng National Conciousness day for the Elimination of Violence Against Women.
Ayon sa Pangulo, ang full implementation ng Violence Against Women and Children Act of 2004 at Magna Carta for Women ay nagbigay sa gobyerno na ipursige ang ‘violence-free homes’ sa bansa.
Umaasa rin ang Pangulo na magkaroon ng greater awareness ang publiko sa mga isyu na kinakaharap ng sektor.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), 26% ng mga kababaihan na may edad 15 hanggang 49 ang nakaranas ng Sexual o Emotional Violence.
Facebook Comments