Manila, Philippines – Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralang mabuti pero bilisan ang pagpapasa sa P4.1-trillion national budget.
Sa kanyang mensahe sa mga mambabatas, iginiit ng Pangulo na makakatulong ang panukalang pambansang pondo para makamit ng administrasyon ang layunin nitong mabigyan ng secure at komportableng pamumuhay ang mga Pilipino.
Aniya – hindi na dapat ma-delay ang pag-apruba sa budget.
Nitong nakaraang linggo, sinimulan na ng Kamara ang pagdinig sa panukala na layong maipasa sa October 4.
Nabatid na mas mataas ng 11.8% ang proposed 2020 national budget kumpara sa P3.66-trillion ngayong 2019 na naaprubahan lang nitong Mayo.
Inaasahan namang papalo sa P3.536 trillion ang magiging kita ng gobyerno sa 2020 kung saan P3.332 trillion dito ay manggagaling sa mga buwis.