Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kabataan na huwag magpapaimpluwensya para ideyolohiya ng komunismo.
Sa kanyang talumpati sa closing ceremony ng National ROTC Summit, iginiit ng Pangulo na sinisira ng mga terorista ang pamumuhay ng lahat.
Binigyang diin pa ng Pangulo na mahalagang magkaroon ng batas at kaayusan at iisang gobyerno.
Mahalaga ring suportahan ang mga sundalong lumalaban para sa bansa.
Matatandaang si Pangulong Duterte ay dating estudyante ni Communist Party of the Philippines founding chairperson Jose Maria Sison noong late 1960s.
Sa kabila nito, una nang sinabi ng Malacañang na interesado pa rin ang Pangulo na isulong ang peace talks sa mga rebeldeng komunista.
Facebook Comments