Muling magsasagawa ng pulong ngayong araw ang Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque mayroong mga rekumendasyon ang task force kay Pangulong Rodrigo Duterte na syang ggagawing basehan ng Pangulo sa paglalabas ng desisyon kung magkakaroon ng modified lifting ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ilan sa mga desicion tool na inirekumenda ng IATF ay kung kaya bang bigyan ng atensyong medikal ang mga tatamaan ng virus kung magkakaroon ng modified lifting ng ECQ.
Bibigyang konsiderasyon aniya dito ang geographical risk location, yung mga vulnerable sector na pwedeng tamaan ng COVID-19 tulad ng mga kabataan, nakakatanda at yung mga mayruon ng underlaying conditions kasama din kung ano anong mga sektor ang pwede ng magbalik operasyon at ang posibilidad ng pagkakaroon ng partial mobility o transportation pagsapit ng April 30 basta’t mapapanatili lamang ang social distancing.
Hindi rin masabi sa ngayon ni Secretary Roque kung magkakaroon ng public address si Pang Duterte mamayang gabi na una nang sinabi ni Senator Bong Go na ngayon ang D-day o ang decision day.
Paliwanag ni Roque Martes pa ng huli nyang makausap ang Pangulo kaya wala syang ideya kung kailan talaga maglalabas ng desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte.