PRRD, walang pakialam kung ilan pa ang mamamatay sa war on drugs

Muling nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kriminal at miyembro ng sindikato ng ilegal na droga.

Sa kanyang talumpati sa Filipino community sa Tokyo, Japan – sinabi ng Pangulo na hindi niya sasantuhin ang mga sangkot sa ilegal na droga.

Aniya, wala siyang pakialam kung ilan pa ang mamamatay sa giyera kontra droga.


Base sa datos ng gobyerno na umaabot na sa 5,000 drug suspects ang napatay sa ilalim ng giyera kontra droga mula noong June 2016.

Ang Pangulo ay nahaharap sa dalawang ‘communications’ o reklamo sa International Criminal Court (ICC) na may kaugnayan sa crimes against humanity dahil sa kampanya kontra droga.

Una nang sinabi ng Pangulo na handa niyang harapin ang death sentence kapang napatunayan ng ICC na guilty siya.

Facebook Comments