Manila, Philippines – Mariing pinabulaanan ni Senator Antonio Trillanes IV ang nakasaad sa 200-pahinang komento na inihain ng office of the Solicitor General sa Korte Suprema na walang notaryo ang inihain niyang petisyon.
Sa komento ng SolGen ay nakasaad na mula September 3 ay nananatili sa Senado si Trillanes at wala sa listahan ng mga bumisita dito ang isang Atty. Jorvino Angel.
Si Atty. Angel ang nakapirma o nagnotaryo sa petisyon ni Trillanes sa Supreme Court kontra sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapawalang bisa sa kanyang amnestiya.
Bunsod nito ay naglabas ng larawan si Trillanes at may video din na nagpapakita na pinapanumpaan niya ang kanyang petisyon sa harap ni Atty. Angel noong September 5, 5:22 ng hapon.
Facebook Comments