PS-DBM, pinabubuwag ng ACT Teachers

Muling ipinanawagan ni ACT Teachers Party-List Rep. France Castro ang pagbuwag sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) sa gitna ng mga kwestiyonable nitong transaksyon.

Sa House Bill 3270, binanggit ni Castro at ng mga representative ng Gabriela at Kabataan Party-Lists ang overpriced na pandemic supplies na binili ng PS-DBM noong kasagsagsan ng pandemya gayundin ang mga mahal pero outdated laptop para sa mga guro ng pampublikong paaralan.

Katwiran pa ni Castro, ginagawa lang namang “parking funds” ng mga ahensya ng gobyerno ang PS-DBM.


Kung ipauubaya na mismo sa mga ahensya ang pagbili ng kanilang mga supply ay mas madali ring matutukoy ang mga dapat mapanagot sakaling magkaroon ng iregularidad.

Facebook Comments