Higit pisong bawas-presyo sa diesel, kasado na bukas

81

Nag-anunsyo na ng panibagong oil price rollback ang mga oil company.

Sa abiso, magpapatupad ang Pilipinas Shell at Seaoil ng P0.10 na bawas-presyo sa gasolina; P1.05 sa diesel at P0.45 sa kerosene.

Kaparehong oil price adjustment ang ipatutupad ng Cleanfuel at Petro Gazz maliban sa kerosene.


Epektibo ito alas-6:00 ng umaga bukas, August 16, maliban sa Cleanfuel na alas-8:01 pa ng umaga mag-a-adjust ng presyo.

Ito na ang ika-pitong sunod na linggo na nagpatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis.

Facebook Comments