Lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 6.4% sa unang quarter ng 2023.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bunsod ito ng patuloy na pagbukas ng ekonomiya at patuloy na paggasta ng publiko dahil sa pinaluwag na travel restrictions.
Sa kabila nito, mas mabagal pa rin ang naitalang gross domestic product o GDP growth sa unang tatlong buwan ng taon kumpara sa naitalang 8% sa kaparehong panahon noong 2022.
Iginiit naman ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na hindi bumabagal ang ekonomiya ng bansa bagkusa ay nagsisimula pa lamang bumalik sa normal.
Sa katunayan ayon kay Balisacan ay pinakamabilis ang paglago ng ekonomiya ng bansa kumpara sa mga kalapit-bansa tulad ng Indonesia, China at Vietnam na naglabas din ng kanilang GDP report.
Facebook Comments