CAAP, naglabas ng NOTAM kaugnay ng rocket activity ng China

Naglabas ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notices to Airmen (NOTAM) kaugnay ng rocket launch ng China.

Bunga nito, ilang area navigation (RNAV) routes ang pansamantalang isasara dahil sa posibleng mga debris.

Ayon sa CAAP, mapanganib sa mga aircraft at seacraft ang debris mula sa rocket launch.


Inaasahang babagsak ang rocket 65 to 79 kilometers sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Facebook Comments