PSA Isabela, Sinagot ang Paratang na Sila ang Nagpakalat ng COVID-19

Cauayan City, Isabela- Itinanggi ng pamunuan ng Philippine Statistics Authority (PSA) Isabela na sila ang dahilan ng pagkalat ng COVID-19 sa Lalawigan lalo na sa Lungsod ng Ilagan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Julius Emperador, Chief Statistical Specialist ng PSA Isabela, kanyang nililinaw na hindi ang mga staff ng kanilang ahensya ang nagpakalat ng virus sa Isabela sa kabila ng kanilang ginagawang census sa Lalawigan.

Ito’y matapos kumalat ang bali-balitang dumami ang kaso ng COVID-19 sa probinsya dahil sa pagpopositibo ng isang staff ng PSA na kasama sa nagsasagawa ng census.


Ipinaliwanag ni Ginoong Emperador na agad din inisolate ang nagpositibo matapos lumabas na positibo ang resulta ng kanyang swab test at isinailalim din sa swab test ang mga nakasalamuha na nagnegatibo naman sa virus.

Nasusunod din aniya ang mga health and safety protocols habang isinasagawa ang census.

Panawagan naman nito sa mga Isabelino na huwag i-discriminate ang mga nagsasagawa ng census at huwag paniwalaan ang kumakalat na impormasyon na sila ang dahilan ng paglobo ng COVID-19 sa Lalawigan.

Facebook Comments