PSA PANGASINAN PINAG-IINGAT ANG MGA PANGASINENSE SA MGA FIXERS AT SCAMMERS

30

Pinag-iingat ngayon ng tanggapan ng Philippine Statistics Authority Pangasinan ang mga Pangasinense dahil sa pagkalat ng mga umano’y fixers na nanghihingi ng kabayaran  sa National ID Assistance.

Ayon sa nasabing tanggapan, ang buong proseso ng pagpapa-rehistro para sa National ID at wala ring delivery fee ba hihingiin ang PhilPost, na siyang opisyal na nagpapadala sa permanent address ng sinumang registrants.


Dagdag pa nito, maaaring peke ang ID na matatanggap ng sinumang indibidwal kung sakaling ito ay mula sa isang fixer o scammer.

Samantala, payo ng PSA Pangasinan upang makaiwas na magkaroon ng pekeng ID mas mainam na makipag-ugnayan na lamang sa kanilang tanggapan.

Facebook Comments