PSA PANGASINAN: TINALAKAY ANG BAGONG PAGPROSESO NG MGA DOKUMENTO; AHENSIYA, IPINANAWAGAN SA PUBLIKO UKOL SA PHILSYS ID

Binabalangkas na ng Philippine Statistics Authority (PSA) Pangasinan kasama ang mga Local Civil Registrar ang mga bagong panuntunan na ipapatupad partikular sa pagproseso ng mga dokumento sa naturang opisina.
Kasabay ito ng isinagawang buwanang pagpupulong ng mga opisyal at miyembro ng Pangasinan Civil Registrars’ Association o PANCRA.
Inilatag dito ang patuloy na pagsasa-ayos sa implementasyon ng “Decentralized Copy Annotation Process” (DeCAP) na isang innovation project ng PSA para higit na mapabilis ang pagproseso ng anotasyon o pagbabago sa mga detalyeng nakapaloob sa isang Civil Registry Documents.
Nakiusap naman ang ahensiya sa publiko na makipag-tulungan ang mga ito sa kani kanilang City at Municipal Civil Registrar kaugnay parin sa isinusulong na PhilSys ID.
Target naman ng PSA na maabot ang 2.2 Million Registrants sa Step 2 ng PhilSys ID pagsapit ng buwan ng Disyembre ngayong taon dito sa Pangasinan.

Facebook Comments