Naniniwala ang Philippine Statistic Authority (PSA) na posibleng bumaba ang presyo ng bigas dahiil sa pagtapyas sa taripa sa imported rice.
Ayon kay PSA Undersecretary Dennis Mapa, naglalaro sa ₱6 hanggang ₱7 ang ibaba ng presyo sa kada kilo ng bigas.
Gayunman, maaari ding makaapekto dito kahit na tinapyasan ang taripa sa imported rice ay ang mataas na palitan ng piso sa dolyar na pumalo na sa ₱58 ang palitan kahapon.
Samantala, kung sakali namang bumaba ang presyo ng bigas ay pwedeng bumaba rin ang tinatawag na rice inflation na nakakaapekto ng malaki sa pangkahalatang inflation rate ng bansa.
Sa ngayon, ang regular-milled rice noong april ay nasa nasa ₱51.3 kada kilo.
Habang ang well-milled rice naman ay nasa P56.6 noong april na mas mababa sa ₱56.40 noong Mayo.
Ang special rice naman ay umaabot sa ₱64.41 kada kilo noong abril at nasa ₱64.68 noong Mayo.