CAUAYAN CITY- Muling iikot ang Philippine Statistics Authority sa limang barangay sa Echague upang magsagawa ng National ID Mobile Registration.
Ang naturang pagpaparehistro ay bukas para sa mga edad lima pataas kung saan ang mga benepisyaryo ay mula sa Brgy. Carulay, Mabuhay, Salay, Dugayong, at Annafunan.
Magsisimula ang naturang pagpaparehistro ngayong araw ika-11 ng Nobyembre hanggang sa ika-15 ng Nobyembre.
Samantala, upang makapagparehistro ay kinakailangan lamang na magdala ng kaukulang dokumento tulad ng kahit anong ID na tama ang information at may birthday at hindi pa expired, Original Birth Certificate, Employee ID, Passport, at Brgy. Clearance with picture.
Facebook Comments