PSA REGION 1, PINATATAG ANG UGNAYAN SA PAGPALAGANAP NG ANGKOP NA DATOS SA PUBLIKO

Muling tinipon ng Philippine Statistics Authority – Regional Statistical Services Office I (PSA RSSO I) ang mga katuwang na stakeholders sa ika-7 Media Forum at Media Awards & Stakeholders’ Appreciation Ceremony sa Calasiao, kahapon, Nobyembre 14.

Nagsilbi itong pagkakataon upang mas mapatatag ang ugnayan ng ahensya sa media at iba pang katuwang na institusyon sa pagpapalaganap ng mga angkop na datos na mahalaga sa pagpaplano ng pamahalaan.

Ayon kay PSA Region 1 Chief Administrative Officer Carla U. Beltran, layon ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng publiko sa mga programa at serbisyo ng PSA sa pamamagitan ng presentasyon ng mahahalagang konsepto.

Bukod pa rito, tinalakay din ang Birth Registration Assistance Project (BRAP), ang proyekto na naglalayong tugunan ang suliranin ng maraming Pilipinong hindi pa naipaparehistro ang kanilang kapanganakan.

Ayon sa tala ng PSA, 9,321 katao na ang matagumpay na nairehistro mula sa 48,300 aplikasyon na isinumite para sa beripikasyon.

Patuloy namang hinihikayat ng PSA ang suporta ng publiko para matiyak na mas marami pang Pilipino ang magkaroon ng wastong dokumento at akses sa mahahalagang serbisyo ng pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments