Tuesday, January 20, 2026

PSA, target na i-register ang 5-M Filipino sa National ID System

Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na marehistro ang 5 milyong Filipino sa ilalim ng National Identification (ID) System ngayong taon.

Sa Laging handa public press briefing, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Acting Secretary Karl Chua na plano din nilang mairehistro ang nasa 80 hanggang 90 million Filipinos bago matapos ang termino ni Pang Rodrigo Duterte sa 2022.

Ayon pa kay Chua inatasan narin nya ang PSA na bilisan ang paghahanda tulad na lamang ng pagpprocure ng mga kagamitan nang sa ganun kapag natapos na ang Enhanced Community Quarantine at kapag pwede na tayong lumabas ng June o July ay handa na ang sistemang gagamitin para sa pagpapatala ng mga Filipino.

Paliwanag ni Chua sa oras na maimplementa na ang National ID System hindi na mahihirapan pa ang pamahalaan sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga mahihirap nating mga kababayan dahil maaari na silang magbukas ng bank account para duon na ibigay ang kanilang cash assistance.

Facebook Comments