PSA, tiniyak na maipatutupad ang minumum health protocol sa pagsasagawa ng census sa darating na Setyembre

Ngayong new normal, mayroong ginawang pag-aadjust ang Philippine Statistics Authority (PSA) para sa isasagawang census sa darating na Setyembre 1.

Layon ng pagkuha ng census na maitala ang mahahalagang impormasyon ng mga residente upang mas mapabuti pa ang mga programa ng gobyerno tulad sa edukasyon, kalusugan, seguridad, kahirapan at iba pa.

Ayon kay PSA Usec. Dennis Mapa, bilang pag-aadjust sa new normal dahil sa COVID-19 sisiguruhin nila na maipatutupad ang minumum health protocol para sa kapakanan ng participant at Census enumerator.


Maganda rin aniya ang koordinasyon nila sa Local Government Unit (LGU) at Barangay nang sa ganun ay maiwasan ang may mataas na kaso ng COVID-19 at ito ay babalikan na lamang sa panahong maging maayos na ang sitwasyon.

Bukod sa face-to-face interview dahil sa COVID-19, maaari na ring isagawa ang census interview sa pamamagitan ng telepono, internet at pagsagot sa iiwanang papel sa bahay ng participant.

Sumatotal, mayroon nang 140,000 na supervisor at census enumerators na ipapakalat sa buong bansa na mayroong sapat na kakayanan para magampanan ang trabaho kahit ngayong new normal.

Facebook Comments