PSA, umapela sa publiko ng pang-unawa dahil sa mabagal na pamamahagi ng PhilSys ID

Umapela ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa publiko ng pang-unawa dahil sa pagkaantala ng delivery ng PhilSys national ID.

Ayon kay PSA Deputy National Statistician Assistant Secretary Rosalinda Bautista, batay kasi sa huling tala, aabot pa lamang sa 3.5 million IDs ang kanilang naipamahagi mula sa 42 milyong nakagparehistro na.

Sa kasalukuyan, aniya, mayroon pang 3 milyong IDs na nasa Philippine Post Office pero patuloy na ang pamamahagi nito.


Paliwanag pa niya, aabot 70,000 hanggang 80,000 ID cards ang pino-produce ng Bangko Sentral ng Pilipinas at iginiit na ginagawa nila ang lahat para maihatid ito sa publiko ng tama sa oras.

Kaugnay nito, posibleng ilunsad na sa 2022 ang PhilSys mobile app na magagamit para ma-avail ang benepisyo ng PhilSys ID kahit hindi hawak o dala ang mismong ID.

Facebook Comments