PSC, humingi na rin ng tulong sa pribadong sektor para sa mga atletang sasabak sa SEA Games

Umaasa ang Philippine Sports Commission na tutulong ang mga pribadong sektor sa mga atleta para sa kanilang laban sa Southeast Asian Games sa Vietnam.

Sa interview ng Balitang Sports Sunday, sinabi ni PSC Commissioner at Chef de Mission Ramon Fernandez na nagpadala na sila ng sulat sa ilang airline companies para mabigyan ng discount ang pamasahe ng mga atleta.

Sinabi ni Fernandez na marami kasing kailangang gastusin mula sa quarantine at RT-PCR tests ng bawat atleta na lalahok sa kompetisyon.


Aniya, nasa ₱121 million ang kanilang pondo para sa SEA Games pero di hamak na mas mababa ito kumpara sa orihinal na budget na ₱200 million.

Ayon kay Fernandez, karamihan sa mga ito ay naubos na sa training at paghahanda pa lamang sa sea games na unang ipinagpaliban noong nakaraang taon.

Facebook Comments