Philippine women’s national football team, maglalaro sa FIFA Womens World Cup 2023 sa kauna-unahang pagkakataon

Sa kauna-unahang pagkakataon, maglalaro ang Philippine women’s national football team sa FIFA Women’s World Cup na gaganapin sa Hulyo 2023.

Ito ay matapos ang kanilang panalo laban sa Chinese-Taipei sa quarter-finals ng AFC Women’s Asian Cup.

Tabla ang score ng dalawang kupunan pero nagwagi ang Pilipinas sa pamamagitan ng penalty.


Samantala, sa Huwebes ay makakaharap ng Pilipinas ang South Korea sa AFC Women’s Asian Cup Semifinals sa Shiv Chhatrapati Sports Complex sa Pune, India.

Facebook Comments