Mananagot ang Presidential Security Group (PSG) sakaling makaranas si Pangulong Rodrigo Duterte ng adverse effects mula sa Sinopharm COVID-19 vaccine.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakasaad sa kondisyon ng CSP na ang ospital o doktor na nag-apply para rito ay may responsibilidad at pananagutan.
Gayumpaman, patuloy nilang binabantayan ang health status ni Pangulong Duterte matapos maturukan ng unang dose ng Sinopharm vaccine.
Matatandaang pinagkalooban ang PSG Hospital ng compassionate special permit ng Food and Drug Administration (FDA) noong Pebrero para sa paggamit ng 10,000 doses ng Sinopharm.
Nakiusap naman si Pangulong Duterte sa Chinese Embassy na bawiin ang 1,000 doses ng Sinopharm dahil wala pa itong regulatory approval mula sa FDA.