Muntinlupa City – Apat na lamang na koponan ang natitira at may pag-asang masungkit ang kampeonato sa Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference.
Maghaharap-harap ngayong hapon ang apat na koponan sa sudden death semis ng liga.
Ang undefeated na Cignal ay hahamunin ng f2 logistics sa ganap na ika-6 ng hapon, habang lalabanan naman ng Petron ang Smart Army ngayong alas kwatro ng hapon sa Muntinlupa Sports Center, Muntinlupa City.
Maghaharap naman para sa best of three series ang dalawang koponan na mananalo matapos ang do or die game today.
Ngayong darating na huwebes ang schedule ng unang laro sa finals na gaganapin sa Filoil Flying V Centre.
Paglalabanan naman ng dalawang hindi papalaring koponan ang bronze medal.
Nakamit ng Smart Army ang huling tiket sa semis matapos ma-knockdown ang Generika-Ayala sa first three sets ng quarterfinals nung Huwebes, 25-19, 25-22, 25-21.