Manila, Philippines – Patuloy ang “information drive” ng Department of Justice kaugnay para sa pagbibigay ng financial assistance sa lahat ng biktima ng pag-atake sa Marawi City ng teroristang grupong Maute.
Sa interview ng RMN kay DOJ Usec. Reynante Orceo – inihayag nito na umabot na sa mahigit 120 ang pino-proseso ng Bureau of Claims and Parole and Probation Administration sa Camp Evangelista, sa Cagayan De Oro City.
Sa ilalim ng Republic Act 7309, ang Board of Claims ay maaaring magbigay ng pinansiyal na tulong na aabot hanggang sa P10,000 sa mga biktima ng violent crimes o maaari ring i-reimburse ng claimant ang nagastos sa pagpapa-ospital, medical treatment, loss of wage, loss of support, at iba pang gastusing kaugnay sa tinamong sugat.
Pero, paglilinaw ni Orceo – hindi pa napag-uusapan ng board ang claims naman sa mga nasawi sa loob ng evacuation center.