Iminungkahi ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano sa Philippine National Police (PNP) na bisitahin at suriin ang psychological exam para sa pagmamay-ari o pag-iingat ng baril.
Ang rekomendasyong ito ay kasunod pa rin ng insidente sa Tarlac kung saan binaril at pinatay ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca ang kanyang kapitbahay na mag-inang Gregorio.
Ayon kay Cayetano, dapat na i-review ang psychological exam sa pag-iingat ng baril lalo pa’t karaniwan na ang insidente ng pagpapaputok ng baril ay dahil sa rage o init ng ulo.
Mahalaga aniyang marepaso ang psychological exam upang matiyak na na-evaluate nang husto ang isang indibidwal, unipormado man ito o hindi.
Giit ni Cayetano, ang init ng ulo ay hindi dapat ikonsiderang simpleng bagay kaya dapat masigurong kaya ng isang taong kontrolin ang emosyon at responsable ito sa pag-iingat ng baril.