DOH, umapela sa publiko para sa medical frontliners ngayong Pasko

Umapela ang Department of Health (DOH) sa publiko na tulungan ang mga healthcare worker na makapagdiwang ng Pasko.

Ayon sa DOH, simula pa lamang ng pandemya ay babad na ang mga healthcare worker sa trabaho at abala sa pagsiguro ng buhay at kaligtasan ng lahat.

Kaya bilang regalo, marapat anila na mabigyan ng pagkakataon ang healthcare workers na makapagdiwang ng Pasko kasama ang kanilang pamilya, mapa-pisikal man o online.


Makakatulong din sa medical frontliners ang pagiging disiplinado at pagsunod sa minimum health standard ng publiko.

Facebook Comments