PTV, iimbestigahan ang #DutertePalpak

Iimbestigahan ng People’s Television Network (PTV) ang paggamit ng hashtag na bumabatikos sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic sa isa sa kanilang social media accounts.

Nabatid na habang ibinabahagi ang istorya sa Twitter kung saan sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mamamahagi ang pamahalaan ng libreng face masks sa publiko, may kasama itong #DutertePalpak – isang hashtag na nag-trending noong Lunes.

“President Rodrigo R. #dutertepalpak BTS reiterated his order to provide free masks for the public especially to those who cannot buy their own,” sabi sa binurang tweet.


Paglilinaw ng PTV na hindi kasama sa original caption ang nasabing hashtag.

Humingi ng paumanhin ang government TV network at nangakong aalamin ang mga nasa likod ng malisyosong post.

Facebook Comments