Public Advisory ng DOJ kaugnay sa paggamit ng video conferencing services sa online classes, suportado ng DepEd 

Welcome sa Department of Education (DepEd) ang ginawang public advisory ng Department of Justice (DOJ) ng Justice Office of Cybercrime kaugnay sa pagggamit ng video conferencing services para sa online classes ng nga bata. 

Sa inilabas na pahayag ng DepEd, sinabi ng kagawaran na alam nila na ang cyberworld ay mayroong dalang banta at panganib sa privacy, seguridad, at kaligtasan ng mga batang gagamit ng online learning modality ngayong pasukan kung saan ipatutupad ang distance learning. 

Kaya naman dahil dito, sinabi ng DepEd na binabalangkas na nila ang isang polisiya na magbibigay protection sa mga batang mag-aaral na gagamit ng video conferencing services sa kanilang online classes alinsunod sa kanilang Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP). 


Katuwang nito ang UNICEF Philippines, Stairway Foundation, Inc., DepEd offices sa central, regional, at division offices, public at private schools, iba’t ibang government agencies at local governments, Non-Government Organizations (NGOs), international organizations, mga magulang at mga mag-aaral. 

Ilalabas ng DepEd ang supplemental child protection policy sa susunod na mga araw. 

Facebook Comments