Public apology ni Secretary Aguirre, inaantay ni Senator Bam

Manila, Philippines – Inaantabayanan ngayon ni Senator Bam Aquino ang public apology ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre at pagtutuwid sa inihayag nito sa publiko.

Kaugnay ito sa pahayag ni Aguirre na nagdadawit kay Senator Bam, pati kina Senators Antonio Trillanes IV at Magdalo Representative Gary Alejano sa Marawi Siege.

Sabi ni Senator Bam, nagkausap sila sa telepono kagabi ni Secretary Aguirre at sinabi nito na nalito sya sa iba’t ibang impormasyon natatanggap.


Giit ni Aquino, seryosong akusasyon ang ikonekta siya at iba pang indibidual sa mga terorista.

Diin pa ni Aquino, nakakabahala na ang kalihim ng Department of Justice ay pumapatol sa mga fake news at mga impormasyong hindi birepikado.

Naniniwala si Aquino na politika ang nasa likod ng mga alegasyon ni Secretary Aguirre bilang bahagi ng pagkilos nito laban sa mga opposition senators.
DZXL558

Facebook Comments