Policy ng pamahalaan sa gambling at gaming, pinarerepaso ni Senator Gatchalian

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian na repasuhin ang patakaran ng gobyerno sa gambling at gaming para mapigilang maubos lang sa casino ang pinaghirapang pera ng ating mga kababayang hulog na sa pagsusugal.

Ang mungkahi ni Gatchalian ay kasunod ng trahedya sa Resorts World na ikinasawi ng 37 katao at marami ang nasugatan.

Umaasa si Senator Gatchalian, na magiging wake up call ang nangyaring pag-atake at panununog sa Resorts World ng suspek na umano’y lulong sa sugal.


Binigyang diin ni Gatchalian, na isang uri ng sakit ang addiction sa gambling o sugal na maihahalintulad sa addiction sa alak at sigarilyo.

Sa ibang bansa anya ay regulated ang sugal para hindi ito makaapekto sa kapakanan ng mga komunidad.
DZXL558

Facebook Comments