Public Assistance Command Center, ilulunsad ng DepEd para sa pagbubukas ng pasukan; bilang ng enrollees, halos 8-M na!

Handa na ang Department of Education (DepEd) sa pagsisimula ng pasukan sa ilalim ng “new normal”.

Tatlong linggo ito bago ang pormal na pagbubukas ng School Year 2021-2022 sa Setyembre 13.

Kaugnay nito, ilulunsad ng DepEd ang Oplan Balik Eskwela – Public Assistance Command Center (OBE-PACC) na may temang “Bayanihan Para sa Ligtas na Balik-Eskwela” simula September 6 hanggang 17.


Ayon kay DepEd Usec. Nepomuceno Malaluan, ang OBE ay two-week national activity ng DepEd na layong tugunan ang mga tanong, reklamo at iba pang concerns na karaniwang nararanasan ng publiko sa pagsisimula ng pasukan.

Samantala, sa ngayon ay nasa halos 8 milyong estudyante na ang nakapag-enroll para sa darating na pasukan.

Pinakamataas na bilang ng enrollees ay naitala sa CALABARZON na nasa 1, 308, 443; sinundan ng NCR (760,915) at Central Luzon (753,106).

Facebook Comments