Public Attorney’s Office, nanawagan sa pamahalaan na ibalik ang death penalty

Manila, Philippines – Nanawagan naman ang Public Attorney’s Office (PAO) sa pamahalaan na ibalik na ang death penalty.

Ito ay matapos ang nangyaring pagpatay sa limang magkakamag-anak sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon kay PAO Chief Percida Acosta – dapat mabigyan ng mabigat na parusa ang sinuman na gumagawa ng ganitong klase na karumal-dumal na krimen


Nabatid na nauna nang umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na muling buhayin ang parusang kamatayan.

Facebook Comments