"Public Destruction of Illegal Contraband", isinagawa sa Carmen, North Cotabato!

200 ream ng sigarilyo, mahigit 30 open pipes at 10 video karera machines ang sinira pagkatapos ng monthly flag raising ceremony nitong Lunes sa harapan ng Carmen Municipal Hall.
Ang “Public Destruction of Illegal Contraband” ay pinangunahan ng COP ng Carmen Municipal Police Station PCI April Lou M. Palma.
Bahagi ito ng kampanya ng lokal na pamahalaan ng Carmen sa pamumuno ni Mayor Rogelio “Roger” Taliño laban sa maiingay at iligal na tambutso o Bora-Bora, Illegal Gambling at sigarilyo.
Ang video karera machines at mga bora-bora ay pinasagasaan ng backhoe loader samantalang sinilaban naman ang kahun-kahong mga sigarilyo na nakumpiska na abot sa P160,000 ang halaga.

Facebook Comments