PUBLIC HEALTH & SAFETY ISSUE | State of calamity sa Boracay, idedeklara ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Magdedeklara ng state of calamity si Pangulong Duterte sa Boracay island.

Sinabi ng Pangulo na kailangan itong gawin dahil maraming pamilya ang maapektuhan sa pagpapatupad ng batas partikular ang forest land use for tourism purposes.

Ayon kay Pangulong Duterte, magagamit ang pondo o ang calamity fund para tulingan ang maaapektuhan sa pagpapatupad ng batas dahil sa posibilidad na isara ang ilang estabilsyimento na pasok sa 25 meter zone mula sa dalampasigan.


Ikinonsidera ng Pangulo ang pagdedeklara ng State of Calamity sa Boracay ang Public Health at Public Safety Issue dahil sa direktang pagtatapon ng sewage sa baybayin ng isla.

Sa cabinet meeting kahapon, sinabi ng Pangulo na ayaw nyang magdesisyon kung 60 days o 6 months para tapusin ang problema sa Boracay at pinauubaya na niya ang pagdedesisyon kay DENR Secretary Roy Cimatu.

Sa ngayon naman ay walang opisyal na papel na inilalabas ang Malacanang kaugnay sa nasabing issue.

Facebook Comments