Tatalakayin ng mga mambabatas at stakeholders sa Bayambang ang nilalaman ng ordinansang Mandatory QR PH Digital Payments sa mga establisyimento at transportasyon ngayong araw.
Layon nitong isulong paggamit ng QR Ph Digital Payments, na binansagang Paleng-QR PH Program upang maging moderno, mabilis, at ligtas ang transaksyon sa bayan.
Bukod dito, tatlong ordinansa patungkol sa Streamlined Requirements para sa Business at Special Permits, Odd-Even Scheme para sa mga tricycle at pagdaragdag ng tricycle franchise na layong mapaunlad ang kalakalan, transportasyon, at sistema ng negosyo sa bayan.
Pangungunahan ito ng Sangguniang Bayan Committee on Market Trade and Industry at Transportation and Communication, na naglalayong makakuha ang opinyon at suhestiyon ng publiko upang higit pang mapabuti ang implementasyon ng mga panukala.
Samantala, hinihikayat ng Sangguniang Bayan ang mga residente, negosyante, operator, at driver na dumalo sa nasabing public hearing upang bigyang kahalagahan ang boses ng mamamayan sa paghubog ng mga patakarang may direktang epekto sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









