*Cauayan City, Isabela- *Naging matagumpay ang isinagawang Public hearing kahapon kaugnay sa Comprehensive Land Use Plan (CLUP) ng Lungsod ng Cauayan.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Sangguniang Panlungsod Edgardo “Egay” Atienza, ang Chairman ng Committee on Labor and Economic Enterprises at Chairman ng Committee on Land Use Urban Development and Housing na wala naman umanong naging problema sa mga inilatag na masterplan ng ating Lungsod.
Kabilang sa plano ng Lungsod ay ang pagpapatayo ng Childrens hospital, Mental hospital, pagpapalawak sa Isabela State University-Cauayan Campus, pagpapatayo ng bagong munisipyo sa Brgy. San Luis at marami pang iba.
Aniya, naipaliwanag naman umano ng mabuti sa lahat ng mga dumalo ang laman ng Masterplan ng ating Lungsod na bibigyang pansin ng Pamahalaang Panlungsod.
Bukod pa rito ay napag-usapan rin sa isinagawang public hearing na tatanggalin na umano nila ang lahat ng mga nakakasagabal sa mga lansangan at maigting na pagbabawal sa mga sidewalk vendor.