Public interview sa mga aspirante sa SC associate justice post, tuluyan nang tinapos ng JBC

Manila, Philippines – Tuluyan nang tinapos ng Judicial and Bar Council (JBC) ang public interview sa mga aplikante sa mababakanteng posisyon sa associate justice ng Korte Suprema.

Kaugnay ito ng nakatakdang pagretiro ni Associate Justice Mariano del Castillo sa July 29.

Pinakahuling sumalang sa panel interview ng JBC sina Court of Appeals Associate Justices Edgardo Delos Santos at Ricardo Rosario, Sandiganbayan Justices Efren Dela Cruz at Alex L. Quiroz, gayundin sina Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez at Atty. Cesar L. Villanueva.


Sa ngayon, dalawamput tatlo na lamang ang pagpipilian ng JBC para sa ilalabas nilang shortlist matapos na umatras sa kanyang aplikasyon si Court of Appeals Associate Justice Stephen Cruz.

Si Cruz ay hindi na sumalang sa public interview matapos ang kanyang pag-atras sa hindi pa malinaw na  dahilan.

Facebook Comments