Public land titling applications, pwede na sa barangay – DENR

Maaari na ngayong magpatitulo ng mga public land tulad ng public alienable at disposable lands sa mga barangay.

Alinsunod sa Administrative Order na ipinalabas ni Environment Secretary Roy Cimatu, inaatasan ang lahat ng Provincial Environment and Natural Resources Office o PENRO at Community Environment and Natural Resources Office o CENRO na tanggapin na ang aplikasyon sa pagpapatitulo ng lupa sa mga barangay.

Inatasan ni Cimatu ang Land Management Bureau ng DENR na mag-bigay ng patnubay at technical assistance upang matiyak na magiging maayos ang pagtanggap ng aplikasyon para sa public land titling sa barangay level.


Ayon kay LMB Director Emelyne Talabis, sa pamamagitan ng naturang DAO ay mapalalapit na sa publiko ang pagpapatitulo dahil dadalhin na ito sa kanilang mga barangay.

Ang bawat barangay naman ang magsusumite sa DENR ng aplikasyon para aksiyunan ng ahensiya.

Facebook Comments