Public Market sa Datu Piang, Nasunog!

43

Humigit kumulang sa 2.5 Million pesos ang halaga ng mga ari -ariang natupok ng apoy sa sunog na naitala sa Public Market ng Datu Piang, Maguindanao pasado alas dose kahapon.
Sa panayam ng DXMY kay Datu Piang Fire Marshall Inspector Mocsin Ali Jr. , abot sa 27 mga kabahayan ang nasunog habang 63 mga pamilya naman ang naapektuhan.
Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon sa dahilan ng sunog, habang wala ring nasaktan sa insidente.
Nagpapasalamat naman si Inspector Ali sa mga kalapit bayan na BFP dahil sa kanilang agarang pagresponde.
Datu Piang Fire Station Pics





Facebook Comments