Plano ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na isabay sa 2022 National Elections ang ratipikasyon ng publiko sa ilalatag na amyenda sa Charter Change (Cha-Cha).
Umaasa si House Speaker Lord Allan Velasco na matatapos nila ang debate sa Cha-Cha bago matapos ang 2021.
Tinitiyak ni Velasco na magiging transparent at patas ang debate sa inihaing Resolution of Both Houses (RBH) 2.
Ayon kay Velasco, ipinag-utos niya na sa House Committee on Constitutional Amendments na buksan ang pagtalakay sa pagamyenda sa restrictive economic provisions ng Saligang Batas kung saan diringgin ito ngayong linggo.
Hindi aniya dapat pabayaan na mapagiwanan ang bansa pagdating sa pamumuhunan at mga oportunidad lalo pa’t unti-unting nagbubukas na ang global economy.
Dagdag pa ng Speaker, mahalaga aniyang samantalahin ang pagkakataon para sa “fully recovery” ng ekonomiya ng bansa sa epekto ng COVID-19 pandemic.